7,138

Feb 17, 2020 @ 19:06
By

Ateneo student tumalon mula sa 9th floor ng gusali

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo de Manila University sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Sa report ni PMSG Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente sa harapan ng Chachago Milk Tea na matatagpuan sa No. 29 F. Dela Rosa St., Barangay Loyola Heights, QC.

Ayon sa imbestigasyon, sinasabing tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng Regis Center sa Katipunan Avenue, Loyola Heights ang Ateneo student, base sa nakuhang school ID sa katawan nito.

Batay sa pahayag sa pulisya ng nakasaksing si Eloisa Bondocan, supervisor ng Chachago Milk Tea, nakatayo siya sa labas nang makita niya na may bumagsak sa nakaparadang Toyota FJ Cruiser na may plakang CAF 2385 at pagkatapos ay tumilapon sa semento.

Nang kaniyang alamin kung ano ang bumagsak ay nakita niya ang katawan ng isang babae na umaagos na ang dugo sa ulo at halos magkalasog-lasog ang katawan kaya agad siyang humingi ng saklolo sa kaniyang mga kasamahan.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?