387
marck-espejo
Apr 30, 2018 @ 14:54

Ateneo star Espejo, hari pa rin ng UAAP men’s volley

Pinangalanang muli bilang Most Valuable Player sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament si Marck Espejo ng Ateneo.

Ito na ang ika-limang pagkakataon na natangay niya ang award matapos pangunahan ang Blue Eagles sa Final Four.

Nakahulma pa kamakailan lang ng UAAP record si Espejo sa pagkana ng 55 points na sinundan pa niya ng 37-points mark sa paggapi sa Far Eastern University, na may twice-to-beat sa Final Four.

Nahamig din niya ang Best Spiker, Best Scorer at Best Server awards.

Dinomina ni Espejo ang liga sa pamamagitan ng pagsiklab sa Ateneo.

Naging instrumento rin si Espejo sa pagwalis noon ng Blue Eagles sa NU para sa kauna-unahang men’s volleyball championship ng koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?