21

By

Ateneo selyado ang top seed, karibal na La Salle delikado pa

Sharing is caring!

Nakarekober ang Ateneo Blue Eagles matapos pabagsakin ang rival school na De La Salle University Green Archers, 71-62.

Nanguna para sa Ateneo ang kanilang ace player na si Thirdy Ravena, na nakaiskor ng 14 puntos, at kumamada ng 10 rebounds at dalawang blocks, upang makabalik sa double-digit disadvantage.

Siyam na puntos lang ang naibulso ng Archers sa 4th quarter, at sinamantala ito ni Ravena na piñatas ang lamang sa 71-58 sa bisa ng tres, 2:06 ang nalalabi.

Dahil sa ‘w’, sinelyo ng Ateneo ang twice-to-beat advantage upang pumwesto sa tuktok, Pati ang Adamson ay nakinabang rin na sigurado na rin sa 2nd seed.

“We knew this was going to be a tough game. They’ve been performing well in the second round, we expected them to come out and play well so we’re happy we came away with a win,” pakli ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Sa ngayon, nalagay pa sa panganib ang Green Archers na kakailanganing manalo sa Uinversity of the Philippines sa Miyerkoles para makaiwas sa playoffs para sa final four. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?