91

Dec 2, 2017 @ 15:14
By

Ateneo, pokus na sa do-or-die Game 3 kontra La Salle

Nag-move on na ang Ateneo at naka-focus sila sa do-or-die Game 3 Finals ng 80th UAAP basketball tournament.

Nalusaw ang 21-point lead ng Blue Eagles sa Game 2 ng kanilang best-of-three series kontra defending champion De La Salle University.

Unti-unting gumapang ang Green Archers upang maagaw ang bentahe at maitabla ang serye sa 1-1 matapos ang 92-83 panalo noong Miyerkules.

Para kay assistant coach San Arespacochaga, mananatiling naka-focus sila sa rubbermatch at kinalimutan na nila ang laro nila sa Game 2.

“We’d like to remove our feelings from Wednesday’s game and not feel sorry for ourselves. Series isn’t over, that’s our focus, that’s the way we’re thinking,” ani Arespacochaga.

Mananatiling sasandalan ng Blue Eagles sina mythical five member Thirdy Ravena, big man Isaac Go at magkapatid na Matt at Mike Nieto upang patalsikin sa trono ang Green Archers.

Inaasahang muling ibabandera ng La Salle si reigning back-to-back Most Valuable Player (MVP) Ben Mbala, Kib Montalbo at mag-utol na Ricci at Prince Rivero.

Walang liyamado o dehado sa labanan ng La Salle at Ateneo kaya hindi rin puwedeng siguruhin kung sino ang mag-uuwi ng titulo.

Ang tiyak lang ay muling dadagsa ang mga fans ng Asul at Berde upang suportahan ang kanilang eskuwelahan para sa laro bukas sa Smart Araneta Coliseum ganap na alas-kuwatro ng hapon .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?