ron-medalla

Ateneo, NU pasok sa Final 4 playoff ng UAAP men’s volleyball

Sharing is caring!

Tinalo ng defending champion Ateneo de Manila University at National University (NU) ang kani-kanilang mga kalaban para tumibay ang kanilang tiyansa sa semifinal spot sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament.

Giniba ng Blue Eagles ang makulit ng Adamson University squad, 25-19, 26-24, 25-22, para sa kanilang walong sunod na panalo at 8-1 ngayong season.

Bumida sa Ateneo si fourth-timve MVP Marck Espejo na tumira ng 23 point, 16 dito ay mula sa attacks, apat na blocks at tatlong services bukod pa sa kanyang 17 excellent receptiopns.

Nag-ambag si Ron Medalla ng 15 points.

Nanguna naman sa Adamson si Paolo Pablico na may 18 points. Ang Soaring Falcons ay may 3-6 win-loss record at nanganganib na hindi makalusot sa playoff race.

Samantala, dinispatsa ng NU Bulldogs ang sumasadsad na University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers 25-21, 25-16, 25-22.

Angat sa NU si Bryan Bagunas na may 19 points – 15 mula sa kills at apat na blocks. Nagdagdag ng 15 points si Kim Malabunga, anim dito ay mula sa blocks.

May 15 points si Joshua Umandal para sa Tigers na natalo ng limang sunod at nalaglag sa 3-6 sa standings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?