13
ateneo
By

Ateneo nasikwat ang City Hoops 25U crown

Sharing is caring!

Nasungkit ng Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles ang titulo sa 2018 SMART City Hoops 25-Under Summer Classic matapos nitong pataubin ang top-seeded na Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 70-58, noong Miyerkules ng hapon.

Nagtala ng 12 puntos at anim na rebounds si Ateneo star player Thirdy Ravena, siyam na puntos naman sina Isaac Go at Angelo Kouame habang pitong puntos at tatlong assists at steals naman ang ambag ni Matt Nieto.

“We got enough veterans on this team that is why we were able to stay composed. Fortunately in the second half, we settled down and we got away with the win,” ani Ateneo head coach Tab Baldwin.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Blue Eagles ang Tamaraws na makaalpas sa ikatlong quarter ng laro at napako lamang sa 12 ang naitala nito sa nasabing quarter.

Sa huling yugto ay umalagwa nang husto ang Ateneo sa tulong ni SJ Belangel na nagtala ng anim na puntos mula sa bench at nagbigay sa kanila ng kalamangan para masiguro ang panalo.

Samantala, nagtala naman ng 16 na puntos at anim na rebounds si Arvin Tolentino para sa Tamaraws at 12 puntos naman kay Jasper Parker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?