21

Sep 11, 2020 @ 15:27
By

Ateneo nakabingwit ng bigating Fil-Am

Ilang key player man ang nawala sa Ateneo, nanatili pa ring tinik sa ibang koponan ang Katipunan-based team.

Ngayon ay mas lalo pang kakatakutan ang Ateneo sa pagdating ng 6-foot-5 Fil-Am forward na si Chris Koon.

Si Koon ay naglaro para sa Rolling Hills Prep noong high school, kung saan isa siya sa main man ng koponan na may averages na 16.0 points, 6.6 rebounds at 4.0 assists para tulungan ang Huskies sa CIF state championship.

Sa UAAP Season 84 pa maglalaro si Koon, ngunit pupwede nitong kumpletuhin ang limang taon para sa Ateneo.

Saad ni Koon, ang kanyang pagtungtong sa Ateneo ay daan para makamit niya ang pangarap na maglaro sa PBA.

“My ultimate goal is to play overseas, in the PBA. It just felt like the right place and the right time to make a move to Ateneo,” saad ni Koon.

“It’s been on my mind for a while. Since the spring semester in Pomona and with everything going on, it kinda brought me to think of the opportunity there.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?