131

Dec 3, 2017 @ 10:57
By

Ateneo-La Salle all-out war ngayon

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

11 a.m. – UE vs NU (Women’s Finals, Game 2)
4 p.m. – Ateneo vs DLSU (Men’s Finals, Game 3)

Umabot na sa sukdulan ang barugan ng defending champion De La Salle University at mahigpit na karibal na Ateneo.

Nasagad sa dulo ang best-of-three finals ng 80th UAAP men’s basketball tournament, nanaig ang Blue Eagles sa Game 1 habang pinana ng Green Archers ang Game 2.

Wala nang bukas ang bakbakan ng Ateneo at La Salle pagharap nila sa Game 3 ngayong alas-kuwatro ng hapon sa Araneta Coliseum.

Nalusaw ang 21-point lead ng Blue Eagles sa first half ng Game 2, nagbago ang ihip ng hangin sa second half kung saan ay naagaw ng Green Archers ang manibela.

Nasa ibabaw ang Ateneo, 49-28, may 3:23 minuto na lang sa second quarter, kitang-kita sa galaw ng Blue Eagles na handa na silang patalsikin sa trono ang Green Archers.

Pero biglang bumangis ang Taft-based squad sa third quarter, bawat bitaw ng palaso ay diretso sa loob ng rim kaya nakuha ang unahan papasok ng huling 10 minuto ng labanan.

Subalit para kay Thirdy Ravena, hindi pa tapos ang laban, natuto sila sa kanilang pagkatalo sa Game 2 at puwede nila itong gamiting sandata laban sa DLSU.

“It’s a real lesson for us,” saad ni Ravena.

Bukod kay Ravena, huhugot ng lakas ang Blue Eagles kina Isaac Go at magkapatid na Matt at Mike Nieto.

Ipananargo naman ng La Salle sina reigning Most Valuable Player (MVP) Ben Mbala, Kib Montalbo at mag-utol na Prince at Ricci Rivero. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?