26

Jun 5, 2020 @ 14:57
By

Ateneo, La Salle nagkasundo: Anti-terror bill dapat ibasura ni Duterte

Kilalang mahigpit na magkaribal sa UAAP, ngayon ay sanib-pwersa ang Ateneo at De La Salle University para ipanawagan ang pagbasura ng umano’y wala sa timing na anti-terrorism bill.

Ayon sa joint statement ng dalawang top university na nilagdaan nina Ateneo de Manila president Dr. Jose Ramon Villarin SJ at DLSU president Br. Raymundo Suplido FSC, hindi dapat ang nasabing bill ang pagtuunan ng pansin ng gobyerno lalo’t humaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman hiling ng Ateneo at La Salle na sana’y i-veto ni Duterte ang nasabing panukalang batas na pasado na sa final reading ng Kongreso.

“While we acknowledge the need to fight terrorism, we find the passage of the bill ill-timed. At this time, our priorities should be shoring up our health system, providing support to our health workers, ensuring food for our communities, stimulating the economy and providing jobs for our people,” ayon sa pahayag ng mga school official ng dalawang unibersidad.

Ang nasabing bill ay pinalagan ng marami dahil sa ilang probisyon na nakalakip tulad ng pagpayag sa wiretapping, at pag-aresto sa isang suspected na terorista kahit pa walang arrest warrant.

“Instead of being a measure to protect our people, in the wrong hands, this bill can be used to oppress our people,” saad pa ng dalawang paaralan.

“We therefore appeal to the President to listen to the pleas of our people who are already burdened by the pandemic, and to veto this particular version of the bill.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?