91

Ateneo, kampeon sa UAAP men’s basketball!

Sharing is caring!

Tinalo ng Ateneo de Manila Blue Eagles ang karibal na De La Salle sa makapigil hiningang do-or-die Game 3, 88-86 para tanghaling kampeon sa UAAP Season 80.

Malakas ang umpisa ng Blue Eagles kung saan lumamang pa sila ng 10, 24-14. Subalit bumawi ang Green Archer sa umpisa ng second quarter sa pamamagitan ng malagkit ng depensa hanggang sa maitabla ni Ricci Rivero ang iskor sa 25-all.

Hindi naman nagpatinag ang Ateneo at lumamang muli ng pito, 45-48 pagkatapos ng first half.

Nagpalitan ng lamang ang dalawang koponan sa kabuuhan ng third quarter.

Nagawa pang makalamang ng Green Archers mula pagtutulungan nina Rivero at Ben Mbala, 62-59.

Angat naman Ateneo 74-68 sa kalagitnaan ng fourth quarter at lumobo pa sa 10, dalawang minuto na lang ang nalalabi sa laro.

Dumikit ang La Salle 83-80 matapos ang back-to-back three subalit pumukol ng tres si Isaac Go para ilagay sa lima ang lamang ng Ateneo, 30 segundo na lang sa laban.

Naniguro ang Ateneo sa dalawang free throws ni Mike Nieto, 88-83 bago ang buzzer beating 3 ng La Salle para sa final score 88-86.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?