134

Feb 17, 2018 @ 21:43
By

Ateneo kakapit kay Gayoso

Muling kakapitan ng defending champion Ateneo si reigning Most Valuable Player Jarvey Gayoso upang madagit ang pangatlong sunod na panalo kontra University of Sto. Tomas sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Si Gayoso ang umakbay sa Blue Eagles sa huli nilang panalo, nagtala ng dalawang goals upang kalusin ang mahigpit na karibal na De La Salle University, 2-1, noong Huwebes.

Kumana si Gayoso sa 50th minute at sa 66th para sa Ateneo na may 2-1 karta kapareho ng Green Archers.

Galing sa goalless draw ang University of Santo Tomas laban sa National University kaya naman mula sa tuktok ay sumemplang sa pangalawang puwesto ang España-based squad.

Magkakaldagan ang Ateneo at UST sa alas-kuwatro ng hapon.

Sisikapin naman ng Univesity of the Philippines na manatili sa unahan ng team standings pagharap nila sa Far Eastern University sa ala-1:30 ng hapon.

Galing sa panalo ang Fighting Maroons, kinalos nila ang Adamson University, 4-1, matapos magsanib-puwersa sina King Miyagi at JB Borlongan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?