119
Ateneo hindi pipigilan si Kai Sotto!
By

Ateneo hindi pipigilan si Kai Sotto!

Sinabi ni Ateneo team manager Epok Quimpo na sisiguraduhin nilang hindi pipigil ang unibersidad sa ano mang magiging desisyon ni 7’2” basketball prospect Kai Sotto.

Lumabas ang mga balita na ang Sotto family ay tatanggap ng offer sa European o US teams na interesado kay Kai Sotto.

Ayon kay Quimpo, susuportahan ng Ateneo si Kai Sotto kung saan man ito maglaro. “We won’t stand in the way. If Kai wants to play in Europe or elsewhere, susuportahan pa naming siya,” saad ni Quimpo.

Ayon sa ilang source, last game na ni Sotto sa Ateneo at magtutungo na ito papuntang Europe sa darating na Mayo.

Inamin din ni Quimpo na pumunta na si Sotto sa Europe noong Disyembre nakaraang taon. “Siyempre secret ‘yun. Nagpunta na siya sa Europe nu’ng December. Kaunti lang nakakaalam, hindi namin ‘yun pinaalam. Para walang funfare,” pag-amin nito.

Ibinahagi pa ni Quimpo na may gustong idagdag ang kampo ni Sotto sa kanyang kontrata, at iyun ay ang payagan siya na maglaro kahit kalian sa National team.

“Kai wants freedom to play for the national team when he is being called. ‘Yan ang isa sa mahalagang detalye na ini-insist niya sa kanyang package. ‘Yung payagan siya everytime kailangan niyang lumaro for the national team. And we hope, ibigay ‘yun sa kanya kung sino mang team ang luckily makakuha sa kanya,” pagtatapos ni Quimpo.

Limang team ang interesado kay Sotto at nangunguna rito ang Real Madrid, Barcelona, Baskonia sa Spain, Estudiantes (Spanish Club) and Alba, Berlin sa Germany. Ilang balita rin ang lumabas na interesado rin ilang US NCAA team kay Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?