184

By

Ateneo grad top-notcher sa 2018 Bar Exams

Isang Ateneo de Manila University law graduate ang nanguna sa mga nag-take ng 2018 Bar Exams sa nilabas na resulta nitong Biyernes.

Si Sean James Borja ay nakakuha ng markang 89.306 % para maging cream of the crop ng ngayong batch ng mga nakapasa sa bar examinations.

Bumuo naman sa Top 3 sina Marcley Natu-El mula University of San Carlos na may 87.530 % at Mark Lawrence Badayos na mula ring USC na may 85.842 %.

Dalawang Ateneo de Manila grad ang kumumpleto sa Top 5 ito ay sina Daniel John Fordan (83.443 %) at Katrina Monica Gaw (83.421%)

Sakto din sa Top 10 sina Nadaine Tongco mula University of the Philippines (85.032%), Patricia Sevilla mula rin sa UP (84.859%) at Katherine TIng (84.857%).

Bumuo sa mga top passer sina Jebb Lynus Cane (84.805%) at Alen Joel Pita (84.693%) na parehong mula USC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?