91

Ateneo-DLSU rivalry, tumamlay na?

Sharing is caring!

Nitong Linggo ang naging muling bakbakan ng sikat na collegiate rivalry sa ‘Pinas na Ateneo vs De La Salle, ngunit tila kaunti lang ang sabik o naghintay sa nasabing salpukan.

Sa naging aksyon sa UAAP Season 81, kita ang kakulangan sa crowd, na noong mga dating taon ay nag-aagawan pa ng ticket ang mga tao upang makanood.

Marahil ay dahil na rin ito sa standing ng parehong koponan ngayong season, solo sa tuktok ang Ateneo tangan ang 10-2 kartada, samantalang nasa ikatlong puwesto naman ang DLSU, 8-4.

Sa tweet naman ng isang netizen, kanyang pinagkumpara ang crowd ng Eagles at Archers, at klaro kung sino ang mas lamang sa dalawa.

Heto naman ang naging dagsa ng crowd sa parehong paglalaban ng Ateneo at DLSU ngayong season.

Sa inyong palagay, nagsisimula na bang mawalan ng dating ang patok na collegiate rivalry o nagkataon lamang ito?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }