57

Feb 29, 2020 @ 17:59
By

Ateneo dinurog ang TNT sa tuneup game

Tinambakan ng three-time defending champion Ateneo Blue Eagles ang TNT KaTropa sa tuneup fame sa Moro Lorenzo Sports Center sa Quezon City.

Sa dulo third quarter ay nakadikit pa ang KaTropa, 74-68, ngunit sa final canto ay umarangkada na ang Ateneo.

Top scorer para sa mga agila si Dwight Ramos na kumolekta ng 22 points, habang 13 naman ang inambag ni Tyler Tio.

Samantala, naging pwersa sa ilalim si Angelo Kouame na nagkamit ng tig-9 points at rebounds.

Nanatili naman sa sidelines si Poy Erram matapos masapinal ang trade para mapunta siya sa TNT.

Kaunting minuto naman ang binigay sa mga main man ng KaTropa na sina Jayson Castro, Roger Pogoy at Troy Rosario.

Natapos ang laro, 103-86, pabor sa UAAP powerhousd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?