139

Apr 4, 2018 @ 19:04

Ateneo dinagit ang UST; pasok na sa semis ng UAAP women’s volley

Sa ikawalong sunog na taon, pumasok na sa Final Four ang Ateneo sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament matapos pataubin sa limang sets ang Santo Tomas, 25-22, 20-25, 16-25, 25-17, 15-9, sa The Arena sa San Juan.

Namuno sa Lady Eagles sa kanyang 21 puntos para iangat ang koponan sa 9-3 at makasama sa semis ang nangungunang La Salle.

Dahil sa pagkatalo ng Golden Tigresses, dumilim na ang tiyansa nilang makasama sa Final Four matapos sumadsad sa 4-8.

Lamang na ang UST 2-1 subalit naitabla ng Lady Eagles ang laban nang makuha ng ikaapat na set at maitakas ang panalo sa pinal na set.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?