24

Feb 29, 2020 @ 17:19
By

Ateneo coach Baldwin sinugod sa ospital

Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang former Gilas coach na si Tab Baldwin matapos itakbo sa ospital nang makaramdam ito ng panghihina sa praktis ng Ateneo sa Moro Lorenzo Sports Center nitong Biyernes.

Kasalukuyang nagpapagaling ang 61-anyos coach sa Cardinal Santos Medical Center ayon sa Ateneo team manager na si Epok Quimpo.

“Stable na si coach Tab. The doctors are just monitoring him,” pahayag ni Quimpo sa report ng Spin.ph.

Naging sanhi naman ng kanyang panghihina ay dahil sa pagkakaroon nito ng hectic schedule matapos italagang program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), magmando ng koponan para sa paparating na 2021 FIBA Asia at 2023 FIBA World Cup.

Bukod dito ay kabilang rin ito sa coaching staff ng TNT KaTropa at kasalukuyang coach ng Ateneo Men’s basketball team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?