37
Ateneo buwena-mano sa D-League
By ,

Ateneo buwena-mano sa D-League

Sa unang pagdribol ng PBA D-League 2019 Huwebes ng hapon, Pebrero 14, sa Ynares Sports Arena sa Pasig, nagpakitang-gilas agad ang Cignal-Ateneo nang lampasuhin nito ang Foundation Cup champions Go For Gold-CSB, 103-75.

Ipinakita ng UAAP Season 81 champions ang kanilang dominasyon sa mga unang salvo pa lang ng laro at nagawa nilang tambakan ang Scratchers sa halftime 49-26.

Nagtuloy-tuloy ang pag-alagwa ng Blue Eagles sa pagpasok ng second-half at hindi na nito hinayaang makabangon pa ang Scratchers.

“This isn’t how we play in the UAAP. We’ll press a lot more, we’ll do a lot of other things that we really can’t do when our numbers are down. So, offensively I was suprised that we played prettt well,” sabi ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Bumandera sa opensa ng Cignal-Ateneo si Isaac Go na rumehistro ng 21 puntos, sa likod ng apat na tres, at apat na rebounds habang 17 puntos ang tinarak ni Adrian Wong sa tropa.

Bukod sa dalawa, naging malaking ambag din ang 14 na puntos ni Matt Nieto at 13 puntos na pinoste ni Ange Koume para maselyuhan ang unang panalo sa liga.

Naging maganda rin ang ikot ng bola sa Cignal at nakapagtala ito ng 29 na assists kumpara sa 15 na ginawa ng Go For Gold at depensa r

Kumapit at lumaban naman ang Go For Gold sa sa tulong ni Justin Gutang na may 21 puntos at Yankie Haruna na may 11 puntos, pero hindi ito naging sapat para magawang makadikit sa Cignal.

Tangan na ngayon ng Blue Eagles ang unang panalo nila sa liga habang ito naman ang unang talo ng Go For Gold.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?