162

Sep 22, 2018 @ 20:14
By

Ateneo Blue Eagles pinaamo ang NU Bulldogs

Pinatumba ng defending champions Ateneo de Manila University Blue Eagles ang National University Bulldogs, 72-46, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum ngayong Setyembre 22.

Tinambakan ng Blue Eagles ang Bulldogs sa fourth quarter, 65-38. Hindi na muling nakabangon pa ang NU, upang maiuwi ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

“Our defense was the way we wanted it to be play,” saad ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

“I like it when we set a standard, a precedence, now we have something to live up to,” dagdag ni Baldwin.

Mag-isa lang si Antonio Joson na umiskor ng double figures para sa NU, na gumawa ng 11 puntos. Sinundan naman siya ni John Lloyd Clemente na mayroong itong puntos. Nalimitahan naman sa tig-apat na puntos ang magkapatid na sina Shaun at Dave Ildefonso.

Nanguna para sa Ateneo si guard Thirdy Ravena na gumawa ng 13 puntos.

Sunod na makalalaban ng Ateneo ang University of the East sa Miyerkoles, Setyembre 26, sa FilOil Flying V Arena, San Juan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?