By

Ateneo, abot-kamay na ang korona sa UAAP

Sharing is caring!

Laro sa Miyerkules:

(Araneta Coliseum)

4:00 p.m. — DLSU vs Ateneo

Sinandalan ng Ateneo ang panelyong three-point play ni Isaac Go upang hablutin ang 76-70 panalo laban sa defending champion De La Salle sa Game 1 ng best-of-three finals ng 80th UAAP basketball tournament kanina sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Hawak ng Blue Eagles ang three-point lead, 73-70, hawak ni Thirdy Ravena ang bola, naispatan si Go sa ilalim at saka pinasa upang ibaon ang And-1 may 10.4 segundo na lang sa fourth period.

Bukod kay Go, humugot din ng puwersa ang Ateneo kina Matt at Nieto brothers kasama si Ravena upang mamuro ang Katipunan-based squad sa pagsilo ng titulo.

Kumana si Ravena ng 12 points, anim na rebounds at apat na assists habang tumikada ng tig-11 markers ang magkapatid na Nieto.

Anim na puntos naman ang binira ni Go kasama ang tig-dalawang rebounds at assists.

Nagkaroon ng aksidente sa dulo ng second quarter matapos masiko ni DLSU big man Ben Mbala si Matt Nieto dahilan upang ilabas ng playing court at dalhin sa dugout upang punasan ang tumutulong dugo sa mukha.

Kumawala ang Blue Eagles sa first quarter pero hinabol agad sila ng Green Archers sa second period kaya nahawakan lang nila ang four-point lead, 43-39, sa halftime.

Humarurot ang Ateneo, 26-14, sa first canto bago tumikada ang DLSU ng 25-17 sa second.

Nakalamang ang Taft-based squad sa third quarter, 57-56, matapos isalpak ni Kib Montalbo ang three-point play may 2:59 minuto pa sa orasan.

Subalit nanatiling matatag ang Blue Eagles at sila pa rin ang nasa ibabaw, 60-58, papasok ng payoff period.

Tumipa si Aljun Melecio ng 24 pts. para sa Green Archers.

Sa Miyerkules ang Game 2 sa Araneta Coliseum, tiyansa ng Blue Eagles na tapusin ang serye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?