281
Ateneo aasa kay Wong vs Adamson
Mar 12, 2019 @ 16:56
By

Ateneo aasa kay Wong vs Adamson

Standings W L
Ateneo 4 1
DLSU 4 2
FEU 4 2
UST 4 2
UP 3 2
Adamson 1 4
NU 1 4
UE 1 5

Mga Laro Miyerkoles/Marso 13
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm – AdU vs Ateneo
4:00pm – UP vs NU

Masusubukan ang tapang ng mga taga-Katipunan sa paghaharap ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles kontra Adamson University (AdU) Lady Falcons sa kanilang pagatatapat sa first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Miyekoles.

Sisikapin ng Lady Eagles na mapanatili ang kanilang winning streak at pang-unang pwesto sa standings.

Tagumpay ang Ateneo sa ‘Battle of Katipunan’ noong Marso 10 sa pagtatagisan nila ng UP Lady Maroons 25-21, 25-15, 28-26.

Humataw sina Maddie Madayag ng 14 points habang may 12 puntos naman si Kat Tolentino.

Ayon kay coach Oliver Almadro ng Ateneo, aasahan niyang muli ang kanyang setter na si Deanna Wong.

“I’m pushing her to be the best setter that she is. Most of the time kasi, players tend to be frustrated because they cannot do what they want to do,”.

“But I keep on telling her to be patient—darating yan. Basta keep on pushing yourself and don’t put limits for yourself.”

Samantala, nais namang rumesbak na mga taga-San Marcelino sa pangunguna ni team captain Eli Soyud.

Hindi nasungkit ng Adamson ang 5-set match kontra sa FEU Lady Tamaraws noong Linggo 18-25, 25-17, 14-25, 25-22, 8-15.

Maghaharap ang dalawang panig alas-dos ng hapon na gaganapin sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?