57

By

Ateneo 1 panalo na lang, balik-UAAP finals na!

Isang panalo na lang, abot na ng Ateneo ang silya sa UAAP Season 82 Finals na hindi na kakailanganing dumaan sa Final Four semis series.

Pinadapa ng Blue Eagles ang National University, 88-51, para itarak ang 13-0 standing at sakaling ma-sweep ang elimination period ay diretso na sila sa Finals.

Si Ange Kouame ang sinandigan ng Ateneo, sa unang half ay nagpakilala sa Bulldogs at lumamang ng 44-27.

Hindi na ito binitiwan pa ng mga agila, sa third quarter ay sinikipan nila ang depensa para limitahan ang Bulldogs sa nine points.

Umabot pa ang kalamangan sa 37 matapos ang tira ni Trog Malilin.

Gumawa si Koaume ng 17 points, 13 rebounds at tatlong blocks, habang may 15 markers naman si Thirdy Ravena.

“It’s satisfying. Two weeks in a row, two games in a row, we’ve come out with a great attitude,” ayon kay Ateneo coach Tab Baldwin.

“Sure we put points on the board, made some shots, but I think what we really focused on was our defense and rebounding.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?