32

Oct 7, 2021 @ 15:52
By

Ate Vi pahinga muna sa politika

Binasag ni Rep. Vilma Santos-Recto ang mga haka-hakang tatakbo siya sa mas mataas na posisyon sa 2022 matapos niyang ianunsyo na magpapahinga muna siya sa darating na halalan.

May natitira pang isang termino si Recto bilang kinatawan ng ikaanim na distrito ng Batangas, ngunit napagdesisyonan niyang magpahinga muna sa politika.

“After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections,” saad sa kanyang IG post ngayong Huwebes.

Bagamat hihinto sa politika, nangako naman siyang tuloy ang serbisyo niya sa publiko.

“Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo,” dugtong pa ni Recto. “I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity.”

Samantala, ang asawa niyang si Senador Ralph Recto ang tatakbo para humalili sa kanya bilang kinatawan ng kanilang distrito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?