53

Sep 15, 2021 @ 10:47

Ate Vi nangangamoy senador sa 2022

Nagpahiwatig na ng interes sa pagkasenador si Deputy House Speaker Vilma Santos-Recto para sa Eleksyon 2022.

Ito ay matapos niyang magbitiw ng salita na kasalukuyan niyang pinag-iisipan kung tatakabo ba siya sa Senado sa susunod na taon.

“As of now, I’m still discerning on my plans for 2022. I may run for the Senate or retire from politics,” ani Ate Vi sa panayam ng ABS-CBN News.

Una nang nagpahiwatig si Senadora Grace Poe sa pagtakbo ng beteranong aktres.

Habang nagpapasalamat kasi sa isang Senate session para sa mga pumabor sa pagpalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City at maging Fernando Poe Jr. Avenue, nabanggit niya si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at sinabing: “Ang asawa ni Sen. Ralph Recto, na magiging senador natin, na si Vilma Santos.”

Noong Hulyo ay sinabi na rin ni Sen. Recto na maaaring tumakbo ang kanyang misis sa Senado.

“That’s a possibility. We’ve been discussing that here in the house if she wants to run for the Senate. She might run for the Senate. I might take her place in the House as well,” wika niya sa panayam noon sa ANC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?