760

By

Ate Vi, Alden team-up naudlot

Sharing is caring!

MAY pelikula na dapat pagsasamahan ang Star For All Seasons Vilma Santos-Recto at ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Huling napanood ang Congw. ng Lone District Lipa City sa pelikulang “Everything About Her” kung saan humakot siya ng awards sa iba’t ibang awards giving bodies.

Busy man sa Kongreso, inamin ni Ate Vi na nami-miss na niya ang muling pag-arte.

May mga offers daw na dumarating, ang problema hindi niya nagugustuhan ang istorya. Depende raw kasi sa script at role ang kanyang gagampanan kapag muli siyang tumanggap ng project.

Katunayan, dapat may pagsasamahan sila ni Alden. Nang basahin daw niya ang istorya, nagamit na sa isang pelikula kung saan ang role niya ay may sakit na Alzheimer.

Ayaw daw gumawa ni Ate Vi ng pelikula na pabalik-balik ang tema na posibleng mag-suffer sa takilya.

Umaasa pa rin ang aktres-politiko na may darating na magandang istorya. Once may nagustuhan siya, agad-agad ay iga-grab niya. At si Alden pa rin daw ang dapat na kapareha niya.

Samantala, full support pa rin ang Vilmanians sa kanilang idolo. Kamakailan ay parang may
fans day sa Kongreso ng dalawin ng VSSI ang aktres-politiko.

Kahit saglit lang naharap ni Ate Vi ay masaya na ang Vilmanians. Nagpapasalamat naman ang Star For All Seasons sa kanyang supporters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?