139
hinalay
By

Ate ginahasa ni bunso sa QC

Inaresto ang isang teenager makaraang ireklamo ng sexual abuse ng kaniyang nakatatandang kapatid na babae sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Director, Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, dinampot ng Galas Police Station 11 ang 19-anyos na suspek, na hindi pinangalanan, dakong ala-1:30 ng hapon, Disyembre 9 sa Cluster 15 ROTC Hunters, Barangay Tatalon.

Batay sa pahayag ng 24-anyos na ate ng suspek, nag-iinuman sila kasama ang iba pa nilang mga barkada nitong Disyembre 8 sa Cluster 15 at dahil sa nakararamdam na umano siya ng pagkahilo ay nagpaalam na siya na matutulog.

Nang umuwi ang biktima ay sumunod ang kapatid na teenager at doon ay pinagsamantalahan ang kaniyang ate habang mahimbing na natutulog.

Dahil dito ay nagsumbong ang biktima sa kanilang tiyahin na siya namang humingi ng saklolo sa mga awtoridad subalit habang inaaresto ang suspek ay nakapkapan pa ito ng apat na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakapiit ngayon ang suspek sa Galas Police Station 11 habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?