36

Jul 19, 2021 @ 20:34

Ate 6 beses binaril ng lasing na retiradong marine

Binaril at napatay ng lasing na retiradong kagawad ng Philippine Marines ang nakasagutang nakatatandaang kapatid na babae nitong Linggo ng hapon sa Sitio Cumabol, Brgy. Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni City Mayor Mario Salvador, nakilala ang nasawing si Laureda Tugas Bermoza, 69, na nagtamo ng 6 bala at binawian ng buhay sa San Jose City General Hospital.

Sa imbestigasyon, alas-5:00 ng hapon nasa harapan ng tindahan ni Victoria Maalindog ang biktima nang dumating ang salarin na si Eusebio Alejo Tugas Jr., 60, na residente rin sa lugar.

Tila pinuna ng biktima ang lasing na kapatid at doon na sila magsimulang magtalo.

Hanggang kinuha ng salarin ang isang caliber 45 sa kanilang tahanan at paglabas ay pinagbabaril ang biktima at saka mabilis na tumakas.

Gayunman sa, mabilis na pagresponde nina PLt. Colonel Crizelda de Guzman ay naaresto ang salarin sa Purok Bantug, Brgy. San Andres, Science City of Muñoz.

Narekober sa salarin ang ginamit na caliber 45 pistol na may magazine. (Jojo De Guzman)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?