98

Oct 7, 2021 @ 14:20
By

Ataul humambalang sa kalsada sa Nueva Ecija

Nagmistulang humps sa daan ang isang puting kabaong sa isang kalsada sa Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, naispatan ang nakaharang na ataul sa kalsada sa bayan ng Aliaga.

https://www.facebook.com/102234912155364/posts/128173532894835/?d=n

Dahiil umano sa takot, napahinto at napalipat na lamang ng daanan ang mga motoristang nakakita sa kabaong.

Batay sa report, madalas na makakita ang mga motorista ng mga iniwang kabaong sa bahaging iyon ng naturang kaldsada na siyang malapit sa sementeryo.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng kapulisan ang insidente. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?