52

Sep 23, 2021 @ 14:03
By

Atat nang ikasal: Ellen, Derek ready na wedding invitation

Nagsimula nang magpamigay ng wedding invitations ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

“Sending out for our ninongs and ninangs,” ani Ellen sa kanyang Instagram story nitong Martes kung saan makikita ang wedding invitation card na may nakalagay na “Save The Date, Derek & Ellen.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, isa sa mga nakatanggap ng imbitasyon para sa kasal ng dalawa si Dra. Vicky Belo.

Nito lamang Pebrero nang maging magdyowa ang dalawa.

Sumunod na buwan ay agad silang na-engage.

Ani Derek, balak niyang pakasalan si Ellen bago matapos ang 2021. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?