38

Oct 6, 2021 @ 17:18
By

Atapang atao: Ka Leody tuloy pagtakbong pangulo

Pormal nang naghain ng certificate of candidacy (COC) para tumakbong pangulo sa 2022 si Leody de Guzman.

Si de Guzman ay tatakbo sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa.

Sumubok siyang maging senador noong 2019 ngunit pang-38 lamang sa botohan.

Siya ang chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

“Manggagawa ang gumagawa. Manggagawa ang lumilikha ng kaunlaran. Kami ang mayorya ng lipunan, at tapat na nagbabayad ng buwis,” wika ni de Guzman sa pagkatapos magfile ng COC.

Sakaling manalo, isa umano sa kanyang tutuldukan ay ang kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?