73

Jul 19, 2021 @ 21:51

Atake kay Pacquiao tigil muna

Pagkatapos ng laban ni Senator Manny Pacquiao ay maaari na umanong magsalpukan sa Commission on Elections (Comelec) at Supreme Court (SC) ang nagbabanggaang paksyon sa loob ng PDP-Laban.

Pero ngayon, sinabi ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na makabubuting pabayaan muna ng mga kritiko si Pacquiao na maituon ang atensiyon nito sa nalalapit na laban sa Amerikanong si Errol Spence Jr.

Nagulo ang PDP-Laban dahil sa agawan ng liderato sa pagitan ni Pacquiao at Energy Secretary Alfonso Cusi III.

“In the meantime, Secretary Cusi should now go back to attending our energy-related problems like the red and yellow alerts signifying short supply in Metro Manila and other parts of Luzon,” sabi ni Rodriguez.

Ngayon ay makabubuti umano kung titigilan muna ng mga kritiko si Pacquiao na lalaban dala ang watawat ng Pilipinas.

“I am calling for a ceasefire on attacks against our boxing icon to allow him to focus single-mindedly on his training. He has to prepare well for his fight. There should be nothing to distract and bother him,” dagdag pa ni Rodriguez. “Let us all support him because he brings pride and honor to our country. We will have time for divisive politics after the fight.”

Si Pacquiao ay kasalukuyang nag-eensayo sa Los Angeles, California para sa laban nito sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?