318

Oct 27, 2017 @ 10:55

Atak naghahanda laban sa bellboy

NU’NG Miyerkoles lang nakalabas si Atak sa pagkadetine sa Parañaque Police Station pagkatapos siyang sampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ng bellboy ng Okada Hotel na si Mark Christian Macavinta.

Tumanggi munang magsalita si Atak sa ngayon dahil magbibigay naman daw siya ng pahayag kapag pumayag na ang kanyang abogado at ang manager niyang si June Torrejon.

“Basta okay lang po muna ako dito. May tamang panahon po dun, kuya. ‘Yun lang po muna ang sasabihin ko,” maingat na pahayag ni Atak nang nakausap namin sa telepono kahapon.

Nakausap namin ang ilang mga reporters na nag-cover sa presinto ng Parañaque, nagtataka raw sila bakit natagalang makalabas si Atak.

Kailangan niyang magpiyansa ng P12K para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Meron naman siguro siyang P12 thousand na pang piyansa, o kaya may mga kaibigang willing namang tulungan siya.

Totoo bang natagalan bago siya makakuha ng perang pampiyansa dahil hindi raw ito in-allow na makakuha ng pera?

Ayon sa ilang source namin, may malalim na kuwento itong nangyari kay Atak, kaya tumanggi munang magsalita ang komedyante dahil sa mga maselan na dahilan.

Ilan sa mga nasagap naming kuwento, si Arnell Ignacio daw ang nagbigay ng complimentary room kay Atak. Pero itinanggi ito ng TV host at opisyal ng PAGCOR. Wala raw siyang ibinigay na complimentary room kay Atak. Ang pagkakaalam daw niya ay mismong taga-Okada ang nagbigay sa kanya.

May isang source din kaming nagkuwento sa amin na naglaro raw talaga si Atak sa Okada, pero nagrereklamo raw ito dahil laging nagda-down ang slot machine. Maingay daw itong nagko-complain, kaya binigyan daw ito ng complimentary room ng naturang hotel, para pansamantalang magpahinga siya, dahil gusto pa raw nitong maglaro.

Hindi pa kami sinagot ni Atak sa ilang katanungan namin dahil magsasalita naman daw siya sa tamang panahon.

Ayaw niyang sagutin ang nasagap naming magkakilala raw talaga sila ni Macavinta.

Ayaw niyang kumpirmahin sa aming si Macavinta na mismo ang nag-text sa kanya na okay na ang room na bigay ng Okada sa kanya, at hinatid na nga siya ng kuwarto.

Ang inamin lang ni Atak sa unang interview sa kanya ng ilang reporters nu’ng naka-detain pa ito sa presinto na totoong niyakap niya dahil nagpasalamat siya, pero hindi naman daw niya hinipuan at hinalikan.

Ilan sa mga close friends ni Atak na napagtanungan ay ayaw na rin munang magsalita dahil mas mabuting sundin daw muna nila ang payo ng abogado na manahimik na lang muna.

Nagbigay ng statement sa PEP.Ph ang bellboy na si Macavinta, at sinabi niyang paninindigan niya ang lahat na mga sinabi niya at ibinintang kay Atak, kaya nagsampa ito ng reklamong Acts of Lasciviousness sa komedyante.

Sabi niya sa pakikipagpanayam sa kanya ng PEP: “First of all, I would like to encourage everyone to stand up and fight for what is right. Do not be afraid and always protect your dignity at all times. This is a serious matter and some people don’t take it seriously and make fun about it.”

Iyun din ang ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Tila may balak na magkontra-demanda ni Atak, pero hintayin na lang natin ang pahayag ng kanyang abogado at kung ano pa ang sasabihin ni Atak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?