397

Oct 25, 2017 @ 11:50

Atak feeling kaakit-akit

By JOJO GABINETE

Hindi na talaga matutupad ang pangarap na maging star ng comedian na si Atak Arana dahil sa kaso ng acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Mark Christian Macavinta, isang empleyado ng Okada Manila na inaakusahan siya ng pag-atake, pandadakma sa pribadong bahagi ng katawan, pagyakap at paghalik sa binata na dating contestant ng Lakan ng Turismo noong 2015.

Ang akala yata ni Atak, kaakit-akit siya at may star power kaya hindi papalag ang biktima sa kanyang tangka na panghahalay.

Kung si Harvey Weinstein na isa sa mga powerful movie executive sa Hollywood, hindi nakaligtas sa mga reklamo ng pang-aabuso, si Atak pa kaya?

Kagagaling lamang ni Atak sa Bacolod noong Linggo dahil dumalo siya sa Masskara Festival at nag-check in sa Okada Manila para sa kanyang complimentary room.

Si Macavinta ang bell attendant na naghatid kay Atak sa kuwarto nito na pinangyarihan ng karumal-dumal na insidente.

Nagkaroon ng mga speculation na malakas ang loob ni Atak na abusuhin si Macavinta dahil posible na dati na niyang ginagawan ng kalaswaan ang mga bell attendant ng mga hotel pero ngayon lamang may naglakas-loob na isuplong siya sa pulis.

Favorite singer ni Atak si Regine Velasquez. Ipinagmalaki ni Atak na hindi niya palalampasin ang concert ni Regine pero nabulilyaso ang kanyang plano na panoorin ang second night ng 30th anniversary show ng Asia’s Songbird sa Mall of Asia Arena na hindi kalayuan sa Okada Manila.

Napurnada ang matagal nang balak ni Atak na manood ng concert ni Regine noong October 22 dahil inaresto siya ng Parañaque police.

Hindi kami nagkamali ng pakiramdam namin noon kay Atak kaya hindi namin ikinagulat ang eskandalo na kinasasangkutan niya.

Kasama pa naman si Atak sa cast ng The Barker, ang comedy movie nina Empoy Marquez at Shy Carlos. Kagabi ang red carpet premiere ng The Barker na tiyak na pinaghandaan din ni Atak na malamang na hindi na nito pinuntahan dahil sa kalaswaan at kahihiyan na siya rin ang may kagagawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?