29

Oct 22, 2017 @ 17:12

Astros blinangka ang Yankees, pasok na sa World Series vs Dodgers

Nagtala ng pinagsamang three-hitter ang Houston pitchers na sina Charlie Morton at Lance McCullers Jr. at pumalo naman ng homeruns sina Jose Altuve at Evan Gatis para itulak ang Astros sa World Series matapos talunin ang New York Yankees, 4-0 kanina Game Seven AL Championship Series.

Sunod na makakatapat ng Astros sa Game one ang Los Angeles Dodgers sa Martes.

Slight favorite ang Los Angeles subalit nakahanda naman sina Justin Verlander, ang ACLS MVP at fellow Houston ace Dallas Keucel para tapatan ang opensiba ng Dodgers.

Tatanggkain ng Astros na masungkit ang kanina kauna-unahang World Series title, sa pangunguna nina Altuve at Verlander.

Matapos ang tatlong sunod na 100-loss season, blinangka ng Astros ang Yankees sa dalawang magkasunod na gabi matapos lumuhod sa ng tatlong gabi sa Bronx.

Huling nakapasok sa ACLS ang Houston nooang 2005 nang walisin sila ng Chicago White Sox in 2005.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?