46

By

Astig! Tumira sa hotel na puro robot

Kung kakaibang experience ang hanap niyo kapag sakaling magbakasyon sa Japan, paniguradong swak sa inyong panlasa ang hotel na ito.

SA Kyushu Island sa Japan ay makikita ang tila isang normal na Dutch-themed hotel, ngunit pagpasok ay hindi tao ang sasalubong kundi robot.

Sa Henn-Na Hotel sa loob ng Huis Ten Bosch Theme Park, lahat mula sa receptionist, bellhop, concierge ay pawang mga likhang metal.

Gamit ang artificial intelligence technology 186 na machine ang nagpapatakbo ng nasabing hotel, na binansagan pang ‘the most efficient hotel in the world’.

Isang humanoid female robot ang sasalubong sa reception area katuwang ang dalawang velociraptor na nakasuot pang-bellhop.

Matapos nito’y isa namang mechanical arm ang magdadala ng inyong mga bagahe at ihahatid ang guest sa kanilang kwarto.

Kahit sa pagpasok ng room at hi-tech din, wala nang susi ang kailangan at tanging facial recognition lang ang makapagbubukas ng pinto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?