788

Sep 27, 2021 @ 21:58
By

Astig! Nadine bumili ng Ducati

Nag-ingay na naman sa Twitter Philippines ngayong Lunes si Nadine Lustre matapos kumalat ang mga larawan niya habang nasa Ducati Manila sa Quezon City.

Ayon sa mga netizen, bumili ang aktres ng Ducati Scrambler Sixty2.

Batay sa MotoDeal, nagkakahalaga ang naturang big bike ng P499,000.

Navideohan din si Nadine habang sakay ng nasabing motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?