567

By

Astig na pulis kinasahan ng sales rep

Sharing is caring!

Hindi nasindak at kinasahan ng isang sales representative ang maangas na ka-barangay na pulis makaraang ipabitbit ito sa kanilang barangay hall sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Ang inireklamong pulis ay nakilalang si PO3 Andrew Balabab Agbalog, may live-in partner, nakatalaga Anti-Cyber Crime Group sa La Pasan, Cagayan De Oro, at residente ng No. 111 Antique St., Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, QC

Sa inisyal na report sa pulisya, dakong alas 3:20 ng hapon sakay umano ng kanilang sasakyan ang complainant na nakilalang si Jayson Ryan Cruz, 39, sales representative, kasama ang misis na si Angela Cruz , kapwa residente ng unit c-4, 07 Ilocos Norte St., Brgy. Ramon Magsaysay, subalit hindi sila makapasok sa entrance gate ng naasabing barangay dahil nakahambalang umano ang sasakyan ng pulis.

Dahil dito ay bumaba umano si Cruz at nagtungo sa unit ni PO3 Agbalog upang pakiusapan na kung maaari ay i-ayos ang pagka-parada ng sasakyan nito sa gusali para makadaan ang kanilang sasakyan, subalit ang lumabas ay ang kinakasama nitong babae na nakilalang si Faite Buan.

Subalit sa halip na tawagin ni Buan ang live-in partner na pulis ay nagalit pa umano ito sa mag-asawang Cruz at sinigawan.

Umalis ang mag-asawang Cruz at nagtungo sa kanilang barangay upang humingi ng tulong kaya sinamahan ni Barangay Peace and Security Officer (BPSO) Florante Sacramento pero pagbalik nila at muling pakiusapan ang pulis ay nagalit pa ito, kinuha at isinuksok ang baril sa beywang at tila may pananakot na nagsabing… “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, halika pumasok ka dito!”

Hindi naman ito inatrasan ng complainant at dumirekta na sa himpilan ng pulisya at ipinabibit ang nasabing astig na pulis sa kanilang barangay at doon lamag ito nakipag-ayos kaharap ang dalawang pulis ng QCPD station 2 na sina PO1’s Jerry Berking at Cliford Bacuso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?