24

Aug 3, 2020 @ 17:44
By

Assunta, girl ang first baby

Babae ang unang baby nina Assunta de Rossi at dating Negros Occidental congressman Jules Ledesma.

‘Fiore’ ang tawag niya sa baby na anim na buwan na sa kanyang sinapupunan.

“Still less than 2 weeks before I enter my 3rd trimester. Hang in there, coccolina (Italian for “the cuddly one”)! This is a snap from my congenital anomaly scan, and I couldn’t be more grateful that everything’s good and normal and I pray it stays that way. For now, I’m gonna call her by her nickname, Fiore (Italian for flower),” caption ni Assunta sa Instagram post.

Mayo 2020 masayang ibinalita ni Assunta na nagdadalantao siya matapos ang 16 na taon nilang pagsasama ng mister na si Jules.

Milagro aniyang maituturing ang kanyang pagbubuntis dahil mayroon siyang myoma at endometriosis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?