26

Feb 21, 2021 @ 20:59
By

Assunta de Rossi: Nakakapuyat maging ina!

Ikinuwento ng aktres na si Assunta de Rossi ang kanyang karansan bilang nanay kay Baby Julia matapos ang apat na buwan simula nang siya’y manganak.


“Since day one, sleep deprived na talaga ako. Nasasanay din pero there are times na ang hirap. You take it one day at a time talaga kasi if today okay ka, hindi guaranteed na okay ka rin tomorrow,” anang aktres sa isang panayam sa I Feel U.


“In the beginning iniisip mo, artista ako sanay ako sa puyatan. Pero pagdating ng baby, puwede mag-shooting na lang ako ulit?” pagpapatuloy niya.

Aniya, hindi rin madali ang pagpapadede sa bata dahil hindi ito simpleng trabaho.

“Nobody can say, ‘Nakaupo ka lang naman, wala ka namang ginagawa.’ Ay hindi po. Ang breastfeeding po ay nakaka-burn ng maraming maraming calories kaya siya nakakapayat and of course, kailangan natin ng fuel so kahit minsan wala tayong ganang kumain, pipilitin nating kumain para mapakin natin ng maayos yung anak natin,” sambit nito.

Magugunitang nagulat ang aktres na nabuntis pa siya sa edad na 37-anyos.

“Nag Amanpulo kami nung 37th birthday ko. Pagbalik namin, a week later, nagpa-check up ako kasi nga delayed ako. Na-confirm that I was pregnant. Talagang nagulat kaming mag-asawa. Inannounce ko sa family ko, pati sila nagulat din naman. It was a pleasant surprise. It was unplanned but not naman unwanted kasi it’s been a long time din talaga. Ano bang nagawa ko at nangyari ito? But I am so thankful,” anang aktres.

Oktubre ng nakaraang taon nang isinilang ni de Rossi ang una nilang anak ng mister na si Jules Ledesma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?