By

Assistant coach Nick Nurse, na-promote na head coach ng Raptors

Sharing is caring!

Imbes na kumuha sa labas, tinapik ng Toronto Raptors ang serbisyo ng assistant coach nito na si Nick Nurse para maging bago nitong head coach sa papasok na NBA season.

Ayon sa source ng Associated Press (AP), pumayag na si Nurse (50) na palitan ang dati niyang boss na si Dwane Casey bilang head coach ng team.

Si Nurse ay limang taong nagsilbi na assistant ni Casey na sinibak matapos na ma-sweep ng Cleaveland Cavaliers ang Raptors sa playoffs.

Ang Toronto ay nagtala ng 59-23 record sa ilalim ni Casey nitong katatapos na season, na una sa Eastern Conference at pangalawa lamang sa Houston sa buong NBA ngayong taon.

Bago napunta sa NBA, nagsilbi si Nurse bilang assistant coach sa Yuropa at Britanya noong 2012 London Olympics bago naging coach of the year sa G League matapos na igiya ang Rio Grande sa 2013 championship title.

Si Casey ay kinuha nitong Lunes bilang bagong head coach ng Detroit Pistons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?