38

Oct 12, 2020 @ 18:44
By

Assignment sa estudyante pinalilimitahan ng DepEd

Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na sundin ang polisiya tungkol sa pagbibigay ng homework sa mga mag-aaral.

Kasunod iyon ng mga ulat na binigyan ang mga estudyante at magulang ng maraming takdang aralin sa unang linggo pa lang ng pagsisimula ng klase.

Batay sa DepEd Memorandum No. 392 na inisyu taong 2010, pinapayuhan ang mga guro mula sa elementarya na limitahan ang mga ipagagawang assignment tuwing weekdays habang walang assignment kapag weekends.

Dapat din daw sundin iyon ngayong distance learning.

“Kailangan yata ay mag-synchronize, meron na kami dating suggestion na ‘yung sa homework ay hindi sabay-sabay na mayroon,” sabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa isang virtual press briefing nitong Lunes.

Dagdag niya, optional ang pagsagot sa mga modules.

“Kahit Sabado at Linggo nagte-text pa si teacher ng dagdag na gagawin, maliban doon sa mga nakasulat doon (sa modules). So ‘yun po yata ang hindi dapat gawin,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?