56

Sep 22, 2021 @ 16:49
By

Aso rumampa sa SLEX, enforcers nagkagulo

Isang kakaibang eksena ang natunghayan ng mga biyahero sa SLEX nitong Sabado.

Makikita kasi sa isang video na kuha ni Celine Magat ang pakikipaghabulan at patintero ng isang Japanese Spitz na aso sa mga traffic enforcer sa SLEX.

“Somebody is in the possession of the dog tapos tumalon doon sa expressway. So mabuti na lang at mayroon kaming patrol na nagroronda roon sa SLEX at nakita ‘yung aso,” ayon kay Skyway O&M Corporation President Manuel Bonoan.

https://fb.watch/8aArRnF2Gs/

“Right there and then pinahinto niya ‘yung traffic para ma-save ‘yung aso and we are very thankful sa mga motorist na nakipag-cooperate na huminto hanggang ma-save ‘yung aso,” pagpapatuloy niya.

Dahil dito, pinaalalahanan ng opisyal ang mga furparents na mas paigtingin nila ang kanilang pag-iingat sa kanilang mga alaga tuwing babiyahe.

“Make sure naka-secure po ‘yung pets ninyo. Minsan nagbubukas ng bintana ‘yung mga iba at right there and there nakakatalon din ‘yun,” paalala niya.

“I don’t think this is the first time na nagkaroon kami ng ganitong incident. Unfortunately some of them actually hindi namin na-save,” dagdag pa niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,