26

May 28, 2020 @ 15:26
By

Aso pinagdasal bago kumain

Alam na alam na ng isang aso ang dapat niyang gawin bago kumain.

Sa video na tinweet ngayong Huwebes, makikita ang isang itim na aso na nakayuko sa upuan habang nagsasambit ng dasal ang kanyang amo sa wikang Spanish.

Nang marinig ang “Amen,” umalis na sa pagkakayuko ang aso at sumunod nang paupuin ng lalaki.

Nilapag ang pagkain sa harapan ng aso, ngunit ‘di ito nagsimula sa pagkain hangga’t ‘di naririnig mula sa amo ang salitang “OK”.

Komento sa Spanish ng nag-tweet: “Ang pagdarasal ay nagpapaginhawa sa kaluluwa!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: