30

By

Aso patay sa atake sa puso

Nasawi matapos atakehin sa puso ang isang aso dahil sa paputok.

Ibinahagi ni Susan Paterson ang mga litrato ng aso niyang si Molly, isang black terrier, noong Nob. 3 sa isang Facebook group ng mga residente ng Wombwell, South Yorkshire, England.

Aniya, dahil sa malalakas na pagsabog ng mga paputok sa paligid ng Wombwell ay namatay ang aso sa heart attack.

“Please think of the animals. Molly was only 18 weeks old and died of FRIGHT caused by fireworks,” saad ni Paterson.

Bunsod nito, nanawagan siya para sa isang petition na maipararating sa British government na i-review ang firework regulations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?