229

Mar 7, 2020 @ 18:40
By

Aso ni Heart naka-face mask din, mga netizen todo react

Nag-react ang mga netizen matapos i-tweet ni Heart Evangelista-Escudero ang larawan ng aspin niyang si Panda habang nakasuot ng mask nitong March 7.

“Kaya natin toh,” caption ni Heart.

Hindi lang mask ang suot ng aso dahil may nakasuot din sa kanyang blue at orange scarf habang ang collar niya ay gawa sa mga perlas!

Sabi tuloy ng mga netizen, parang gusto na nilang magpaampon kay Heart at maging aso.

“Gusto ko nalang maging aso mo,” sabi ni @raincerenio.

“Paampon nalang po. Magaling ako tumahol.. Argh. Argh. Argh,” comment ni @francisgmr55555.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?