10

Nov 8, 2020 @ 15:31
By

Aso ni Biden unang rescue dog sa White House

Napaulat na sa unang pagkakataon, may maninirahan nang rescue dog sa White House.

Ito ay si Major, ang inampon na German shepherd ni US President-elect Joe Biden noong 2018 mula sa Delaware Humane Association.

Sasamahan ni Major si Champ, ang isa pang German shepherd ng pamilya Biden, sa pagtira roon ng incoming first family.

Ang huling mga aso sa White House ay sina Bo at Sunny ni dating US President Barack Obama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?