13

Jun 20, 2021 @ 10:18
By

Aso ni Biden pumanaw na

Malungkot na ibinahagi ng pamilya Biden ang pagpanaw ng kanilang aso na si Champ.

Ayon kay US president Joe Biden at kanyang misis na si Jill, si Champ ay pumanaw sa kanilang tahanan sa Wilmington, Delaware.

“Our hearts are heavy today as we let you all know that our beloved German Shepherd, Champ, passed away peacefully at home,” ayon sa pamilya Biden.

“He was our constant, cherished companion during the last 13 years and was adored by the entire Biden family.”

Si Champ ay nanatili sa pamilya ni Biden buhat pa noong 2008, kasama nila ito nang maluklok bilang vice president si Joe sa pareho ding taon.

Kasama din ito ni Biden noong siya’y nangangampanya pa sa pagka-Pangulo noong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,