17

Oct 26, 2020 @ 18:50
By

Aso nanganak ng yellow green na tuta

Pinag-usapan sa social media ang isang aso na nanganak ng yellow green na tuta.

Batay sa FB post ng taga-La Union na si Chona Lacsamana, kulay puti at itim ang mga kapatid ng naturang tuta habang brown naman ang kulay ng kanyang ina.

Sa ulat, sinabi ni Lacsama na papangalanan niyang “Wasabi” ang yellow green na puppy.

Kamakailan nang mag-viral ang isang aso sa Italy matapos nanganak ng bibihirang green na tuta.

Pinangalanan ang tuta mula sa Sardinia na “Pistachio”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?