By

Aso, nakakaamoy ng lung cancer sa tao?

Sharing is caring!

Alam n’yo bang hindi lang mga bomba o drugs ang naaamoy ng mga aso?

Lumabas kasi sa pag-aaral sa Germany na naaamoy din ng man’s bestfriend at nade-detect nila ang lung cancer sa pamamagitan ng pag-amoy ng hininga ng tao.

Batay sa research na ginawa ng mga German scientists, nakita nilang na-detect ng mga aso ang tumor sa may 71 na mga pasyente.

Ayon kay Thorsten Walles, posibleng may iba-ibang kemikal ang hininga ng mga lung cancer patients na kayang amuyin ng mga aso kaya naman posible raw na malaki ang maitutulong ng mga alagang aso kapag may sakit ang amo.

Si Walles ang nanguna at nag-publish ng pag-aaral na ito sa European Respiratory Journal na kung saan ay napatunayan na totoong nakaka-detect ng sakit tulad ng lung cancer ang aso. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?