39

Aso na mukhang tao, viral sa socmed

Kilalanin si Nori, isang Aussiepoo mix na nakatira sa Seattle na may kakaibang katangian kumpara sa ibang aso.

Namumuhay si Nori kasama ang kanyang mga amo na sina Kevin at Tiffany Ngo.

Nagsimula ang pagiging viral ng aso ng ibahagi ng kanyang amo ang isang larawan sa Twitter, at mabilis na nakahakot ito ng 9,000 likes.

Sa unang tingin aakalain mong ginamitan ng ‘faceswap’ ang aso, pero talagang kakaiba lang talaga ang mukha nito.

Mistulang nasanay na nga ang pares sa atensyon na naidudulot ng kanilang alaga. Natutuwa naman sila sa reaksyon ng mga tao kay Nori.

“When he was a puppy, we couldn’t go more than a block without someone stopping us to ask questions about him,” sabi ng energy consultant na si Kevin sa isang panayam sa The Daily Mail.

Noong tuta pa lang si Nori ay maitim na ang kanyang balahibo. Madalas pang nakukumpara sa Star Wars character na si Chewbacca, isang Ewok.

Sa tingin ng pares na ang mga mata ni Nori ang nagdadala sa kanya upang siya ay maging mukhang tao.

Sabi naman ng ina ni Nori na si Tiffany na napakabait, mapaglaro, at palakaibigan ang kanyang alaga, “He loves all people and dogs that he meets, and just wants to be friends with everyone. He’s got quirky behaviour, like when he “kneads”, where he’ll put a toy in his mouth while he kneads with his front paws, like cats often do.”

Makikita ang ilan pang mga imahe ni Nori sa kanyang Instagram:
https://www.instagram.com/norichiban/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?